Sunday, January 13, 2013

Paru-paro

Ika’y paru-paro sa gitna ng parang;


Ang araw mo’y bilang na;


Ang insektong dating nakabalot sa dahon;


Ngayo’y lalanggamin sa dahong binalutan.

The Criminal


The smell of the paint is blood
People have to be awake
Stop staring at me! I’m not the criminal!
Look at the mirror, the one you’ll see should be in jail.

AKO

Ako’y isang nagagatong sanga ng isang punong sintibay ng punong narra.
Ako’y nangarap na makisabit hanggang sa tagsibol.
Ako’y inuugoy ng hangin twing nagbabagyo; Papalakas ng papalakas.
Ako’y dinapuan ng isang maliit na pipit na napakaganda. May ibinulong sa akin. Bulong na may salitang masakit.
Ako’y nagmatigas na tila isang bagong tubong sanga kahit nagagato’t inuuod na.
Ako’y hindi nakatiis. Sa bawat pagpupumilit ng sarili’y lalong nagmumukang sakong lislis.
Ako’y bumagsak sa lupa.
Ako’y iginatong sa tungkong mainit.
Ako’y pasalamat pa at nakatulong ako sa mga taong mas kailangan ako ng higit. ♥

No Boundaries

May nagsabi sakin noon: "Lage tumatawag Mama at Papa mo ano? Ilang beses araw-araw." Oo, nakakailan talaga sa loob ng isang araw. Ikaw na malayo sa mga anak mo di ba? Siguro, liliban lang yun ng pagtawag kapag nasa bahay kami yung alam nilang nasa bahay lang. Tapos pag may mga lakad, di pwedeng di ako magttext kahit every hour or every minute. 

Wala din kasi akong tinatago sa Mama at Papa ko. Lahat sinasabi ko pero hindi din naman lahat na as in LAHAT syempre kailangan din na may itira sa sarili di ba? Kumbaga, yung mga gagawin ko, desisyon ko, pupuntahan ko, feelings ko, alam nila. 

Sa ganung paraan man lang malaman nila at maramdaman na "May pakialam pa pala sa akin ang anak ko." Oh kaya naman, "Hindi pa pala ako nakakalimutan ng anak ko." Laging updated sila sa buhay ko. Pag pupunta ako sa bahay ng boyfriend ko, alam nila. Pag kasama ko boyfriend ko, alam nila. Minsan nga nakakainis na nakakatawa, kasi nung panahong nagawa kami ng Thesis ng mga classmates ko, dun pa ko pinaghihinalaan na kung saan-saan nagpupunta. haha. Pag ganun, todong explain naman ako. 

Natatawa na nga lang ako sa ibang tao na akala eh... basta! haha. Di lang nila alam ang bonding ng pamilya namin. Kahit na yung ibang tao eh iba ang iniisip sakin o samin, magaling na rin, kasi unpredictable pala kami at lalong mas magaling. Haha. ♥