Napadpad ako sa Yotube Channel ng Jamich kanina. (Hindi ako Fan)
Tapos pinanuod ko ang The One. Naiintindihan ko naman na kailangan din kumuha ng inspiration (movie, book, etc.) kapag gagawa ng short film pero sana ituloy-tuloy na nila yung pag gawa ng short film na based sa true story kagaya nung The One.
Kasi nung habang nanunuod ako kanina, hindi na ako nanghuhula ng mangyayari at hindi na din ako nagiisip kung saang pelikula na naman iyon ginaya. Though hindi ko masyadong trip yung The One dahil hindi naging effective o hindi naging dramatic sa part ni Eleven, eh mas gusto ko pa yun panuodin kaysa sa ibang short film na ginawa nila.
Sana magpakulo sila o mag-post sa FB ng: "Guys, send your love story to us tapos pipili kami ng story na gagawing short film." (Syempre pipili lang sila ng kakaiba at hindi na yung tipikal na love story na nangyayari na. Alam ko, madami dyang iba't ibang kwento.)
Yung mga tipong ganun. Tapos pabobonggahin na lang nila ang setup. Tapos hindi lang sila yung sisikat di ba? Pati na din yung magse-send ng istorya sa kanila.