Akalain mong AKO na tatamad-tamad pumasok, tamad mag-aral at TAMAD talaga ay magkakaroon ng TALENT sa Arts.
Hindi ako magaling sumayaw. Hindi ako magaling kumanta. Hindi ako magaling mag-extemporaneous speech. Hindi ako skilled sa pagsasalita ng Ingles. Pero magaling ako sa Photography. Magaling ako mag-edit ng kahit na anong gustuhin kong i-edit sa Photoshop. Magaling ako sa concepts and Ideas.
Though ang pag-sayaw, pag-kanta, ay considered as ARTS, sasabihin ko sa'yo, 101% hindi yun ang linya ko.
Kanina ko lang nakuha ang grades ko makalipas ang ilang weeks ng pag release nito. Kabado ako kasi baka mamaya may 5 ako. O kaya isang batalyong tres ang makita ko. Tamad nga kasi kaya kinakabahan. Pero sa kurso kong Mass Communications, nasabi kong, "Dito talaga dapat ako." Dahil walang major ang Maskom at mapapag-aralan lahat lahat ng majors, kahit tamad ako pumasok, may marka akong pwede na ring ipag-malaki.
Hindi naman mababa. Saktong marka lang para sa laging wala sa attendance sheet.
Dahil puro application ang exams sa bawat major subject, gaya ng TV Advertisement, Print Ad, at kung ano-ano pang related sa Advertising, pag-gawa ng script, radio announcement, radio jingle, radio drama, alam na eto ng mga nag aaral ng maskom.
Kaya ko makapag-pasa on time.
Sabi nga nila, "Hindi mo kailangang maging magaling, kailangan mo lang ng konting kaalaman sa lahat ng bagay."
Ako kasi, hindi ako bookish. Hindi ako grade conscious. Dahil hindi ako pinalaki ng parents kong ganon. At yun ang ikinatutuwa ko sa kanila. Dahil hindi sila kagaya ng ibang magulang na pagagalitan o parurusahan ang anak kapag mababa ang nakuhang marka sa exam.
Dahil sa ganon nga ang magulang ko, WALA AKONG TAKOT MAG-ARAL o PUMASOK SA ESKWELAHAN. Unang una dahil hindi naman ako napipilitan at pangalawa, gusto ko naman ang ginagawa ko. Pero alam mo, kahit hindi nagpu-push ang parents ko na mag-aral ako ng wagas, nabibigyan ko pa rin sila ng satisfaction. At yun ang ikinaka-proud nila sa akin.
Laging sinasabi sakin ng Ina ko;
"Anak, hindi naman ako naghahangad sayo ng maging magaling ka. Pero yung binibigay mong tagumpay at kasiyahan samin ng Papa mo eh sobra naman."
Lesson Learned?
The best pa rin talaga gumawa ng isang bagay ng naaayon sa kagustuhan mo.
Mahirap ang napipilitan di ba? Kaya super LUCKY ng anak na kagaya ko dahil sa kahit papano, sa ibang bagay, sinusoportahan ako ng magulang ko. Masaya na ako na nabibigyan ko sila ng karangalan paminsan minsan dahil bayad ko iyon sa paghihirap nilang magtrabaho para lang mapag-aral ang ISANG HAMAK NA TAMAD na katulad ko. :)
No comments:
Post a Comment