Kalagitnaan ng Summer Vacation. Isang himala kagaya ngayon kung biglang uulan sa kasagsagan ng mainit na panahon. Ayos to, masarap matulog, masarap mag-kape, masarap mag-inom, masarap mag-yosi.
Habang ginagawa ko ang blog na ito, nakikinig ako sa Rakista Radio 100% Pure Pinoy Rock. Trip ko na rin kasi ngayon ang musikang may screamo. Saka natugtog dun ang mga bandang Indie.
Sari-sari nasa isip ko. Pero about sa tiwala lang lahat. Mahirap lang talaga kasing kunin ang tiwala ng isang tao at lalong mas mahirap ang masira ito.
Naiinis ako sa mga taong walang alam kundi magbintang. Kung wala ka naman tiwala sa isang tao, hindi mo na dapat sya binigyan ng oportunidad na pagsilbihan ka o kaya gumawa ng mabuti para sayo dahil hindi mo rin naman iyon mapapansin eh. Kawawa naman yung taong yun. Para yang screamo, kala mo banayad sa umpisa tapos biglang magsisigawan sa kalagitnaan. Nakaka-traydor di ba? Lalo na kung yung tipong hindi mo naman alam na screamo pala ang tugtugan.
No comments:
Post a Comment