Saturday, June 16, 2012

6th Skim and Surf Event Photographs

These are some photos last May 27, 2012 during the 6th Skim and Surf Event held at Nasugbu, Batangas, Philippines. 







Follow and Like! ^^

Friday, June 15, 2012

Thursday, June 14, 2012

what's on my grey matter today

Yung mga taong lagi na lang nagugulat pag may nagawang achievement ang kapwa nya, ay ang taong lagi na lamang nag underestimate.

Saturday, June 9, 2012

Nakakaloko ang Blogspot

MALAY KO BA KUNG MAY NAGVVIEW NGA NG BLOGS KO! ANNOYING! I WANT A PROOF!

I'm Miss Poetry



Frozen motions are like frozen memories.

So hard to forget, too hard to let go. 
It's never like ices that melts when exposed in heat,
but just like this photograph from my soul and dashing heart beat.
-vhey,makata mode.

remembering Simsimi


Today's Decision.

I've decided that this Blog will be more on Photo Blog :)

feels like home. :)


Follow and Like! ^^

One Creepy Afternoon


Follow and Like! ^^

Breakfast meal for Dinner. :)


Follow and Like! ^^

Friday, June 8, 2012

Video Blog: Cloning (Sony Vegas Pro)

My first ever Cloning effect using Sony Vegas :)
this is a 17 second video only. So PLEASEEE Watch :))
Thanks! 
And Oh! Featuring my Sister, Jaya. HAHA






Follow and Like! ^^

Thursday, June 7, 2012

Photo Blog Again for Today


I wish i could take a photo like this soon NOT A SIMPLE GRASS but a DANDELION. <3

Taking a Pause and out of facebook to blog

Summer Vacation Days: 4 days remaining and still don't have that loaded energy to go schooling.
I am now a 4th year college student who still doesn't care about what other students were doing/going. I just don't give a shit. It's better minding own businesses.

Yesterday, I created a new Tumblr account at the same time, bothered, for I may not have a little time blogging here. But you know, it's different here so I still can't take my fingers off typing on this Blogger's new post.

I just finished reading two blogs of my favorite Professor in wordpress.com. And still, she inspired me. She also is the reason why I am blogging here now, for she introduced the class almost all the blog sites.

She's right! Know a person before writing down about him/her. Talking about feature writing. Piece of cake.

Sometimes in life, we are doing things like we don't know if there are benefits waiting. Like this. I blog, and i don't know if I could use it in the near future but you know, every time I am blogging i just see my self expressing my thoughts in silence. I'm just like Joy Evangelica Agoylo saying that, "I talk a Little, so I write more."

I had a hard time sleeping last night that I even bumped my head on the wall while rolling over my bed. Life sucks. Maybe that's the reason why I fall asleep. Seeing stars.

"I wish I am also intelligent and bookish like them."
In some ways, i am not a type of person who says that. I'm just happy being a freelancer. I write when I wanted and I took photos If my soul needs it.
Maybe I can define myself like this; Jhevey is a person with a pencil case full of ballpens and a camera in a bag.
I just can leave the house without those.


Saturday, June 2, 2012

Magasin by Eraserheads Lyrics(with my picture and music)






Nakita kita sa isang magasin
Dilaw ang iyong suot at, buhok mo'y green

Sa isang tindahan
Sa may Baclaran
Napatingin, natulala sa iyong kagandahan

Naalala mo pa ba noong tayo pang dalawa
'Di ko inakalang sisikat ka
Tinawanan pa kita
Tinawag mo 'kong walang hiya
Medyo pangit ka pa noon
Ngunit ngayon... Hey

*CHORUS:

Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sayo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema pagka't kulang ang dala kong perang
Pambili... oooh... pambili sa mukha mong maganda*
Siguro ay may kotse ka na ngayon

Rumarampa sa entablado
Damit na gawa ni Sotto
Siguro'y malapit ka na ring sumali
Sa Supermodel of the Whole Wide Universe... kasi


Repeat Chorus.

Nakita kita sa isang magasin
At sa sobrang gulat hindi ko napansin
Bastos pala ang pamagat
Dalidaliang binuklat
At ako'y namulat sa hubad na katotohanan... hey


Repeat Chorus 2x

Pambili... oooh... pambili sa mukha mong maganda

Nasan ka na kaya
Sana ay masaya
At sana sa susunod na isyu
Ay centerfold ka na
 Ooooooooohhhhh...







Advance Happy Halloween! Awoooooooo!

I want to be in Horror Movies. Pasado kaya ako? LOL.
Credits to Webcam Toy.
Follow me on Twitter: @vheythedreamer -click me-






Nakakatamad maligo kapag maulan ang panahon.



Kaya eto, naglalaro na lamang sa camera  :))









Credits to Webcam Toy (App in googe chrome) 


Ang daming sinasabi. Andaming satsat. Mag blog ka na lang!

Tweet dito, Status doon. Favorite dito, Like doon. Retweet dito, Repost doon.
Iba't iba lang ng spelling at salita pero iisa lang naman ng ibig sabihin.

Parang mga lalake lang yan eh. Pare-parehas may itlog pero iisa naman ang laman.
Bitter sa mga boys? Hindi. Sinasabi ko lang. At wala kang karapatang umangal dahil yan ang opinion ko.

Tag-ulan ang June. Sagabal sa pag-pasok. Mag-a-annouce ang DepEd na walang pasok pero kinabukasan matingkad pa sa yellow paper ang sikat ng araw. Eh di ang inis naman nung mga studyanteng "pasok-baon?"
Sa halip na wala kang klase sa vacant hours, mag-o-overtime ang isang subject dahil hindi nakapag-discuss.
Oh sige, pagbigyan na, para nga naman may matutunan at hindi sayang ang bayad sa tuition.
http://jheveyrazonblogs.blogspot.com/

Ano bang kinain ko kanina? Sweet and Sour Tilapia na luto ng kapatid ko. Pero hindi naman yun ang dahilan kung bakit napa-blog ako. Wala akong magawa. Two timer pala ako. Blog ang past time ko na inaatupag ko kesa sa pag-iisip sa boyfriend kong tulog naman. Eh ganun talaga, pag oras ng sweet-sweetan, mag-usap kayo, pag free time, gawin nyo ang makakapagpa-libang sa inyo. As long as hindi naman kasalanan sa isa't isa ang ginagawa nyo. Yung iba kasing lalake, hindi na nga gwapo, ang dami pang syota. Aba nga naman! Generous si Kuya, mapag-bigay ng pagmamahal. Ikaw rin! Baka kamuka mo ang mapatapat sa'yo.

Konting katahimikan.






























Ayos na. Nakahinga na ako. Side effect ata ito ng anti-biotic na iniinom ko dahil sumasakit ang dibdib ko.
Masamang damo naman ako kaya mahaba pa ang buhay ko.


May naalala ako. Alam mo naman yung salitang effort hindi ba?
Nakakainis ang taong walang ganun! Yung tipong mag-e-effort ka na nga para na rin sa sarili mo, hindi mo pa magawa. Eh ano pa kaya kung para sa ibang tao? Aba, gising gising din! Baka kinabukasan pag-bangon mo ikaw na lang ang tao sa mundo. Kawawa ka naman.

Pasensya na kayo sa aggressive kong pananalita.
Sinasadya ko yun.

Ay! Ang humihingi nga lang pala ng pasesnya ay yung mga taong hindi nila sinasadya ang ginagawa nila.
Oo! Kaya wag ka humingi ng SORRY kung paulit-ulit ka naman sa kalokohan mo. Unlimited?
It's a matter of choice na! And you better do something para worth it yung sorry mo. Gets ba? Ayan, napapa-ingles tuloy ako.

Pwe!

Sabi ng mga lower class minds na naiinis pag mag nag-e-english.
http://jheveyrazonblogs.blogspot.com/
Hello? Gising gising din!
Hindi ka ba makapag ingles kaya naiinis ka sa may kakayanan nito? Oh baka hindi mo lang talaga kayang dalahin ang sarili mo?
Skill yan. And we should improve it! Kung hindi mo naintindihan, Eto; "Kailangan mo pagbutihan ang pagsasalita ng Ingles dahil nasayo na yan!"
Papano ka na lang kung makarating ka ng ibang bansa? Isipin mo naman ang magandang layunin ng bawat University kung bakit may "Just English Please" Policy. Tsk.
Ang daming call center agencies na naghahanap ng CSR, malaki ang sweldo, tapos ikaw, hindi mo mapag-praktisan ang pagsasalita ng Ingles ng maayos?
Sinasabi ko to sa sarili ko. Dahil ako ay isang dakilang tao na ni-reject ng isang call center.
Akala naman nila hindi ko kaya.
Kung hindi man nila ako tanggapin, aba, marunong naman ako magsulat at magiging myembro ako ng Elite na grupo na gumagawa ng Bob Ong Books. (Sabay tingin sa itaas ng hindi nagalaw ang ulo tapos biglang ngunguso at isiiping may message balloon sa kaliwang parte ng utak bullshit na may nakasulat na katagang: Ideas, Goals, BOB ONG")

Gusto kong mabasa ng ibang tao ang blog ko.
Nagiisip ako kung ipo-post ko ito sa Facebook. Hmmmmm...


Madami pang paraan.
Hindi ako mauubusan ng page viewers. (SANA)
Alam kong posible basta hindi lang ako mapapagod magsulat.

Enjoyin natin ang malamig na panahon at damhin ang mga natitirang araw ng bakasyon.
GODBLESSUSALL! (biglang goodvibes eh ano? syempre! I write to EXPRESS not to IMPRESS! kaya refreshing at relaxing ang Blogging! )

Follow me on twitter: @vheythedreamer - My Twitter Account
Like my Page on Facebook: Click Here





My Lampshade (Photo Blog)





My Lampshade.

Para kang Lampshade,
Ikaw ang Ilaw ko sa Dilim.


Para kang Lampshade,
Hindi ka nagsasawang bigyan ako ng liwanag.
Titigil lang ang pagbibigay mo ng liwanag
kung sasabihin kong ayaw ko na.


My Lens Cap. (Photo Blog)


My Camera is my Bestfriend.

Friday, June 1, 2012

What makes me heartbroken today.


Hindi naman ako nagagalit na madami syang naging babae noon...Naaapektuhan lang ako ngayon. :P


Hindi ko sya masisi. Nag-enjoy lang sya nung mga panahong INIWAN ko sya. Pero ang mahalaga, AKO at AKO pa rin. At hindi nya ako gagaguhin. Kung gano sya napariwara noon nung iwan ko sya, andito na naman ako para ayusin yung mga maling nagawa nya isa-isa :) Pero hindi pa rin maiwasan minsan yung maparanoid ka. Ganon kase pag mahal mo talaga. =]

Kung gusto mo talaga mag-work ang relationship nyo, dapat maging Open Minded. I-set aside ang past, para sa better na present at mapag-isipan ang magandang future. 
Look who's talking. HAHA. Ako lang naman na isa ring paranoid talaga. Yun ang akala ko sa sarili ko.
Depende rin pala yon sa karelasyon mo.

Ako kasi, feeling ko kay Carl lang ako naging AKO talaga. Wala akong tinatago kahit isa.
Lahat ng pagmumura ko narinig na nya, at alam nyo yung masaya? Tatawa lang sya. Kaya tatawa rin ako. 
Yung worse ko, nakita na talaga nya. Kaya he deserves my best ngayon talaga:)


Mahirap magsalita ng tapos pero yung ngayon ang sinasabe ko. 

Nakakatakot din. Baka mamaya hindi pala kame ang Soulmates. 
Pero pipilitin kong maging kami na. hahahha
The MAN of EFFORTS.

<3 

Ang Manunulat Sa Aking Pagkatao (The Writer in Me)

Kanina, habang nagpapayo ako sa isang bigo sa pagibig na kaibigan, naitanong nya ito.
"Kamag-anak mo ba si Bob Ong?"
Natawa na lamang ako at nasabi kong; "Hindi."

Saktong Alas dos ng madaling araw ngayon habang nagtutupa ako sa keyboard ng aking laptop. Napatingin lamang ako sa orasan, dapat kasi'y matutulog na ako kaya lamang hindi ko mapigilang hindi mag-blog.
Makakalimutin kasi ako at kadalasan ay madaling mawalan ng gana sa bagay-bagay kaya kung ano ang pumasok sa isip ko ginagawa ko na agad. Mahirap na, baka pagsisihan ko pa sa bandang huli.
http://jheveyrazonblogs.blogspot.com/

Pangarap ko naman talagang maging writer. Alam kong kaya kong mag-sulat. Alam kong may talento ako. Pero kahit na member ako ng Student Publication ng aming University, hindi ko tinangkang mag-contribute ng kahit isang essay sa bawat issue. Sapat na sakin ang isa akong Photojournalist. Ayoko pahirapan ang sarili ko dahil madami din akong iba pang nais gawin sa buhay.

Bandang ala una ng madaling araw, habang nag-huhugas ako ng tambak na plato at kaldero, sumagi sa isip ko na gusto kong magsulat ng libro kagaya ni Bob Ong. Idol ko sya, siguro dahil nakikita ko ang future ko sakanya. Di ba, kaya naman talaga tayo may hinahangaan o iniidolo dahil hilig din natin ang ginagawa nya?
Kung hindi siguro natanong ng kaibigan ko ang itinanong nya sa akin kanina, hindi ko maiisip ang mag-sulat ulit.
Nabubuhayan kasi ako ng loob sa tuwing may magsasabi sa akin na magaling ako mag-bigay ng payo o ang aking bokabularyo.

Nakakapagtaka dahil hindi naman ako bookish. Lalo ng hindi ako attentive sa klase. Siguro, natural na sa akin ito. Art din naman ang pag-susulat hindi ba? Kung ganoon, napatunayan kong Artist pala talaga ako.

Sa blog kong ito na hindi ko naman alam kung may nagbabasa o wala, wala pa rin akong pakialam. Kung may nagbabasa, salamat, kung wala, ay ayos lang. Masaya ako na nagsusulat ako over the internet. Kakaibang pakiramdam. Ayoko din naman mag post ng blog ko sa Facebook. Simple lang, dahil ang makakatagpo ng Blog na ito ay syang soulmate nya. Hindi ko pwedeng turuan ang tao na basahin ito at ayoko din ipakita sakanila. Hindi dahil sa duwag ako. Kundi dahil kung interesado sila, magtatanong sila sa akin kung may blog ako. Kumbaga, bahala na lamang silang maka discover.

Sabi nga, ang greatest failure ay ang mag-please sa tao.

Masayang masaya ako ngayon dahil nakapag-blog ako sa loob ng labing apat na minuto.
Hanggang sa muli :)