Tweet dito, Status doon. Favorite dito, Like doon. Retweet dito, Repost doon.
Iba't iba lang ng spelling at salita pero iisa lang naman ng ibig sabihin.
Parang mga lalake lang yan eh. Pare-parehas may itlog pero iisa naman ang laman.
Bitter sa mga boys? Hindi. Sinasabi ko lang. At wala kang karapatang umangal dahil yan ang opinion ko.
Tag-ulan ang June. Sagabal sa pag-pasok. Mag-a-annouce ang DepEd na walang pasok pero kinabukasan matingkad pa sa yellow paper ang sikat ng araw. Eh di ang inis naman nung mga studyanteng "pasok-baon?"
Sa halip na wala kang klase sa vacant hours, mag-o-overtime ang isang subject dahil hindi nakapag-discuss.
Oh sige, pagbigyan na, para nga naman may matutunan at hindi sayang ang bayad sa tuition.
http://jheveyrazonblogs.blogspot.com/
Ano bang kinain ko kanina? Sweet and Sour Tilapia na luto ng kapatid ko. Pero hindi naman yun ang dahilan kung bakit napa-blog ako. Wala akong magawa. Two timer pala ako. Blog ang past time ko na inaatupag ko kesa sa pag-iisip sa boyfriend kong tulog naman. Eh ganun talaga, pag oras ng sweet-sweetan, mag-usap kayo, pag free time, gawin nyo ang makakapagpa-libang sa inyo. As long as hindi naman kasalanan sa isa't isa ang ginagawa nyo. Yung iba kasing lalake, hindi na nga gwapo, ang dami pang syota. Aba nga naman! Generous si Kuya, mapag-bigay ng pagmamahal. Ikaw rin! Baka kamuka mo ang mapatapat sa'yo.
Konting katahimikan.
Ayos na. Nakahinga na ako. Side effect ata ito ng anti-biotic na iniinom ko dahil sumasakit ang dibdib ko.
Masamang damo naman ako kaya mahaba pa ang buhay ko.
May naalala ako. Alam mo naman yung salitang effort hindi ba?
Nakakainis ang taong walang ganun! Yung tipong mag-e-effort ka na nga para na rin sa sarili mo, hindi mo pa magawa. Eh ano pa kaya kung para sa ibang tao? Aba, gising gising din! Baka kinabukasan pag-bangon mo ikaw na lang ang tao sa mundo. Kawawa ka naman.
Pasensya na kayo sa aggressive kong pananalita.
Sinasadya ko yun.
Ay! Ang humihingi nga lang pala ng pasesnya ay yung mga taong hindi nila sinasadya ang ginagawa nila.
Oo! Kaya wag ka humingi ng SORRY kung paulit-ulit ka naman sa kalokohan mo. Unlimited?
It's a matter of choice na! And you better do something para worth it yung sorry mo. Gets ba? Ayan, napapa-ingles tuloy ako.
Pwe!
Sabi ng mga lower class minds na naiinis pag mag nag-e-english.
http://jheveyrazonblogs.blogspot.com/
Hello? Gising gising din!
Hindi ka ba makapag ingles kaya naiinis ka sa may kakayanan nito? Oh baka hindi mo lang talaga kayang dalahin ang sarili mo?
Skill yan. And we should improve it! Kung hindi mo naintindihan, Eto; "Kailangan mo pagbutihan ang pagsasalita ng Ingles dahil nasayo na yan!"
Papano ka na lang kung makarating ka ng ibang bansa? Isipin mo naman ang magandang layunin ng bawat University kung bakit may "Just English Please" Policy. Tsk.
Ang daming call center agencies na naghahanap ng CSR, malaki ang sweldo, tapos ikaw, hindi mo mapag-praktisan ang pagsasalita ng Ingles ng maayos?
Sinasabi ko to sa sarili ko. Dahil ako ay isang dakilang tao na ni-reject ng isang call center.
Akala naman nila hindi ko kaya.
Kung hindi man nila ako tanggapin, aba, marunong naman ako magsulat at magiging myembro ako ng Elite na grupo na gumagawa ng Bob Ong Books. (Sabay tingin sa itaas ng hindi nagalaw ang ulo tapos biglang ngunguso at isiiping may message balloon sa kaliwang parte ng utak bullshit na may nakasulat na katagang: Ideas, Goals, BOB ONG")
Gusto kong mabasa ng ibang tao ang blog ko.
Nagiisip ako kung ipo-post ko ito sa Facebook. Hmmmmm...
Madami pang paraan.
Hindi ako mauubusan ng page viewers. (SANA)
Alam kong posible basta hindi lang ako mapapagod magsulat.
Enjoyin natin ang malamig na panahon at damhin ang mga natitirang araw ng bakasyon.
GODBLESSUSALL! (biglang goodvibes eh ano? syempre! I write to EXPRESS not to IMPRESS! kaya refreshing at relaxing ang Blogging! )
Follow me on twitter: @vheythedreamer - My Twitter Account
Like my Page on Facebook: Click Here
Hello! Ako po si Jhevey pero Vhey na lang for short. I am not fabulous pero hindi ako simple. I have my own style in everything. Isa akong photographer na gustong maging sikat balang araw. May pinagaralan pero hindi sobrang matalino. Tamad pumasok pero naka graduate.Tamad mag-aral pero madiskarte. Gustong mag ingles pero hanggang sulat lang. Hindi matalino pero madaming alam. Naghuhukay pa kung saan huhugot ng confidence. :) Umaasang magugustuhan nyo ang blogs ko. Mabuhay!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment