Kanina, habang nagpapayo ako sa isang bigo sa pagibig na kaibigan, naitanong nya ito.
"Kamag-anak mo ba si Bob Ong?"
Natawa na lamang ako at nasabi kong; "Hindi."
Saktong Alas dos ng madaling araw ngayon habang nagtutupa ako sa keyboard ng aking laptop. Napatingin lamang ako sa orasan, dapat kasi'y matutulog na ako kaya lamang hindi ko mapigilang hindi mag-blog.
Makakalimutin kasi ako at kadalasan ay madaling mawalan ng gana sa bagay-bagay kaya kung ano ang pumasok sa isip ko ginagawa ko na agad. Mahirap na, baka pagsisihan ko pa sa bandang huli.
http://jheveyrazonblogs.blogspot.com/
Pangarap ko naman talagang maging writer. Alam kong kaya kong mag-sulat. Alam kong may talento ako. Pero kahit na member ako ng Student Publication ng aming University, hindi ko tinangkang mag-contribute ng kahit isang essay sa bawat issue. Sapat na sakin ang isa akong Photojournalist. Ayoko pahirapan ang sarili ko dahil madami din akong iba pang nais gawin sa buhay.
Bandang ala una ng madaling araw, habang nag-huhugas ako ng tambak na plato at kaldero, sumagi sa isip ko na gusto kong magsulat ng libro kagaya ni Bob Ong. Idol ko sya, siguro dahil nakikita ko ang future ko sakanya. Di ba, kaya naman talaga tayo may hinahangaan o iniidolo dahil hilig din natin ang ginagawa nya?
Kung hindi siguro natanong ng kaibigan ko ang itinanong nya sa akin kanina, hindi ko maiisip ang mag-sulat ulit.
Nabubuhayan kasi ako ng loob sa tuwing may magsasabi sa akin na magaling ako mag-bigay ng payo o ang aking bokabularyo.
Nakakapagtaka dahil hindi naman ako bookish. Lalo ng hindi ako attentive sa klase. Siguro, natural na sa akin ito. Art din naman ang pag-susulat hindi ba? Kung ganoon, napatunayan kong Artist pala talaga ako.
Sa blog kong ito na hindi ko naman alam kung may nagbabasa o wala, wala pa rin akong pakialam. Kung may nagbabasa, salamat, kung wala, ay ayos lang. Masaya ako na nagsusulat ako over the internet. Kakaibang pakiramdam. Ayoko din naman mag post ng blog ko sa Facebook. Simple lang, dahil ang makakatagpo ng Blog na ito ay syang soulmate nya. Hindi ko pwedeng turuan ang tao na basahin ito at ayoko din ipakita sakanila. Hindi dahil sa duwag ako. Kundi dahil kung interesado sila, magtatanong sila sa akin kung may blog ako. Kumbaga, bahala na lamang silang maka discover.
Sabi nga, ang greatest failure ay ang mag-please sa tao.
Masayang masaya ako ngayon dahil nakapag-blog ako sa loob ng labing apat na minuto.
Hanggang sa muli :)
No comments:
Post a Comment