Malamang, balang araw, mababasa ito ng isa sa mga Fans ni Bob Ong (kung sino man sya talaga at kung may Bob Ong man na nag-e-exist) at masasabi nya na; "Ay! Parehas kami ng blogger na 'to". Idol ko kasi talaga sya, sana mabasa nya to. Sana. Sana. Sana.
Naalala ko pa nuong una kong mabasa ang ABNKKBSNPLAko(4th yr hs) na hiniram ko lamang sa ka-klase kong nag-valedictorian pero wala ako pakialam sa kanya. Para akong naka-yosi nung time na yun at parang gusto ko pa ng isa pa. Hanggang sa hiniram ko yung McArthur. Grabe! Na-high ako! Hinahanap hanap ko ang libro nya. Msyado akong nainspire magbasa ng kwento tungkol sa barkadahan. Naisip ko nga ngayon lang, siguro, madaming dilemma sa barkada si Bob Ong. Pangatlo kong binasa, Stainless Longganisa. Medyo nakalimutan ko na ang storya pero ang mahalaga, nabasa ko na yun. Pero hindi na ako nanghiram. Bumili na ako. Kauna-unahang libro ni Bob Ong na binili ko, pinahiram ko naman sa ka-klase ko, hindi na binalik. Mangiyak-ngiyak ako. Tapos eto na yung Alamat ng Gubat na sobra naman akong naiyak sa katatawa.
"Preti litel Bibe" hahaha. Ayun, hanggang sa nabili ko na ang Kapitan Sino na pinahiram ko sa ex jowa ko at hindi ko na nakuha. Gusto ko tuloy kuhanin yun sa kanya. Shet!!! Tapos, stop muna ako ng pagbabasa ng books. mga 2 years.
Ngayon, 4th yr college na ako. Nababalitaan ko na nuon ang "Ang mga kaibigan ni Mama Susan" pero hindi ko muna binili. Sabi nila, nakakatakot daw. Pero nung lunes lang, binili ko na. HAHA. Ang saya. Kagabi ko lang natapos. Tapos kahapon, bumili ako nug bagong libro nya, "Lumayo ka nga sa akin" Hindi ko pa nga pinapansin yon nung una. Akala ko ay POCKETBOOK na napasama sa mga libro ni Bob Ong. HAHA. Pero pag kita ko sa malanding font style na Bob Ong ang nakasulat, hindi na ako nagdalwang isip.
By the way, ang panget ng "Ang mga kaibigan ni Mama Susan". Mas madami ang boring na part kesa sa nakakatawa. Sana consistent na lang sya sa pagseseryoso sa hindi pagseseryoso. XD
At yung bagong pink na libro ni bob ong na kabibili ko lang, nakabalot pa, hiniram ng bading kong professor. Halos hindi ako makatulog. Sya na kasi ang nagbukas. Mahal na mahal ko pa naman ang mga libring nabibili ko. Lalo na at Bob Ong pa ang author. :( Di bale na, pababayaran ko yun sa kanya pag nag ka damage. HAHA :)
No comments:
Post a Comment