Friday, October 26, 2012

Puno ba pitaka mo?


  • Ang sarap sigurong maging mayaman. Tipong puno lagi ang pitaka at mabibili lahat ng gustohin. 
  • Ang sarap sigurong maging mayaman. Kapag wala kang ginagawa sa bahay, drive ka lang ng car mo tapos punta ka sa mall para magpalamig, starbucks tapos shopping-shopping.
  • Ang sarap sigurong maging mayaman Kapag tinatamad kang magpunta sa tindahan, babayaran mo lang yung boy nyo tapos bibilhan ka ng kahit anong gusto mo.
  • Ang sarap sigurong maging mayaman. Laging mukang bata, dahil alagang derma.
  • Ang sarap sigurong maging mayaman. Araw-araw iba-iba ang kulay ng buhok.
  • Ang sarap sigurong maging mayaman. Pwedeng mag-purchase ng mga plug-ins sa internet para sa Sony Vegas Pro 11 mo.
  • Ang sarap sigurong maging mayaman. Maganda ang Christmas Tree na puno ng palamuti, mag-papasko pa naman.
  • Ang sarap sigurong maging mayaman. Aircon ang buong bahay.
  • Ang sarap sigurong maging mayaman. Iba-iba ang cellphone every week. Iphone at BB, halinhinan.
  • Ang sarap sigurong maging mayaman. Laging puno ang laman ng ref.



  • Ang sarap sigurong maging mayaman. Madami kang kaibigan.

Thursday, October 4, 2012

I wish

Hey, I am making a music video right now as a midterm requirement in RTV, my major subject and I can say that I had already shoot 80% of my music video. I am also the one who will going to edit this project and right now, i do not feel comfortable. I was under pressure and I wish my output will turn out not just okay but unique, artistic and amazing. though the song is too emotional, i want it to be unique as i've said. I will use some simple props. I wish it will be effective. :(

Tae! Wag nyong babasahin.


(ito ay bunga lamang ng aking nararamdaman sa oras na ito, gusto ko mang sabihin ng diretso sa taong iyon, ay wag na lang. Parang machine gun ang aking bunganga. Naaawa na ako sa kanya. Kaya di ko na lang sasabihin ng diretso. Ito ang mga salitang makakapag-pagaan ng kalooban ko ngayon, pero alam kong tatawanan ko rin sa susunod na taon. Ang mga salitang puno ng kababawan. Basta ang alam ko, naiirita ako ngayon.)

May mga tao lang talagang hindi makaramdam at may mga tao lang din talaga na gaya ko ngayon, yung nakikiramdam. Pero depende pa rin 'yun sa sitwasyon at sa mga sitwasyong ganito, mas okay na lang muna yung makiramdam na lang. Kung sabihin nila, eh di alam ko, kung hindi naman eh di hindi ko alam. Tama na siguro yung katiting na alam mo, dahil nasa kanila ang mga salita kung saan gusto mong unang mang-gagaling ang kwento. 

Hindi ko alam kung bakit tumutulo ang aking luha't sipon ngayon dahil lang sa bagay na hindi naman siguro dapat iyakan. Eh ang sakin lang, para akong tae at sila ang mga langaw. Silang mga langaw, alam na alam na nila ang nangyayari sa kabilang baryo dahil nakakalipad sila, ako naman walang alam dahil ang tae, hindi naman makaka-lipat ng ilang hakbang kung walang taong makakayapak. Sana lang, hindi ka isang langaw pero isang malaking paa na hindi hahayaan ang isang tae na mabulok ng walang nalalaman. Tang***! Ang lalim ko. 

Pero yun nga, sa kabila ng panlalamig, parang naiintindihan ko sya, sabay kamot sa ulo dahil mukang labas lamang sa ilong ko na naiintindihan ko sya. Gusto kong sumigaw ng; PUSANG GALA NA PAKNOT ANG BUNTOT! WALA KA BA TALAGANG PAKIRAMDAM??? BUTI PA ANG MGA REPORTER, IMPORTANTE SA KANILA ANG MGA TAO. KAYA ANG MGA TAO, NAUUNA SA BALITA! Kahit yung balita nila ay nai-report na sa kabilang channel. Pero at least, kahit nauna na ang isang channel sa mainit na scoop, mas detalyado naman ang kanila. Pero nakakatawa, dahil ang mga ganitong eksena ng pagbabalitaan at pagkakaroon ng mga detalye ay madalas maririnig sa chismisan. Hindi nga. Kapag sinabi mo kasi sa isang chismosa na natapilok si Nena pero hindi naman nasugatan, ang kakalat sa buong bayan ay; "Natapilok si Nena, labas nag bituka, ulwa ang mata, pagdating sa ospital, dead on arrival."
Kitams. 

Hanggang sa matapos ito, wala, wala pa ring nangyayari. Hindi pa rin ako makahugot ng lakas ng loob dahil ako ay naghihintay pa rin na baka sakali, sa kabila ng pagiging hindi ko naman sila kaano-ano, baka naman kahit konti, may magsasabi sa akin ng kwento ng diretso. 
POTA. Ang arte, nagtatampo lang pala. Pero sa kabilang banda, bakit hindi, eh ang taong hinihintay mo naman ay sinasabing ikaw nag mundo nya. Bahala na. Basta hindi muna ako magtatanong. Hinihintay kitang magkwento.