(ito ay bunga lamang ng aking nararamdaman sa oras na ito, gusto ko mang sabihin ng diretso sa taong iyon, ay wag na lang. Parang machine gun ang aking bunganga. Naaawa na ako sa kanya. Kaya di ko na lang sasabihin ng diretso. Ito ang mga salitang makakapag-pagaan ng kalooban ko ngayon, pero alam kong tatawanan ko rin sa susunod na taon. Ang mga salitang puno ng kababawan. Basta ang alam ko, naiirita ako ngayon.)
May mga tao lang talagang hindi makaramdam at may mga tao lang din talaga na gaya ko ngayon, yung nakikiramdam. Pero depende pa rin 'yun sa sitwasyon at sa mga sitwasyong ganito, mas okay na lang muna yung makiramdam na lang. Kung sabihin nila, eh di alam ko, kung hindi naman eh di hindi ko alam. Tama na siguro yung katiting na alam mo, dahil nasa kanila ang mga salita kung saan gusto mong unang mang-gagaling ang kwento.
Hindi ko alam kung bakit tumutulo ang aking luha't sipon ngayon dahil lang sa bagay na hindi naman siguro dapat iyakan. Eh ang sakin lang, para akong tae at sila ang mga langaw. Silang mga langaw, alam na alam na nila ang nangyayari sa kabilang baryo dahil nakakalipad sila, ako naman walang alam dahil ang tae, hindi naman makaka-lipat ng ilang hakbang kung walang taong makakayapak. Sana lang, hindi ka isang langaw pero isang malaking paa na hindi hahayaan ang isang tae na mabulok ng walang nalalaman. Tang***! Ang lalim ko.
Pero yun nga, sa kabila ng panlalamig, parang naiintindihan ko sya, sabay kamot sa ulo dahil mukang labas lamang sa ilong ko na naiintindihan ko sya. Gusto kong sumigaw ng; PUSANG GALA NA PAKNOT ANG BUNTOT! WALA KA BA TALAGANG PAKIRAMDAM??? BUTI PA ANG MGA REPORTER, IMPORTANTE SA KANILA ANG MGA TAO. KAYA ANG MGA TAO, NAUUNA SA BALITA! Kahit yung balita nila ay nai-report na sa kabilang channel. Pero at least, kahit nauna na ang isang channel sa mainit na scoop, mas detalyado naman ang kanila. Pero nakakatawa, dahil ang mga ganitong eksena ng pagbabalitaan at pagkakaroon ng mga detalye ay madalas maririnig sa chismisan. Hindi nga. Kapag sinabi mo kasi sa isang chismosa na natapilok si Nena pero hindi naman nasugatan, ang kakalat sa buong bayan ay; "Natapilok si Nena, labas nag bituka, ulwa ang mata, pagdating sa ospital, dead on arrival."
Kitams.
Hanggang sa matapos ito, wala, wala pa ring nangyayari. Hindi pa rin ako makahugot ng lakas ng loob dahil ako ay naghihintay pa rin na baka sakali, sa kabila ng pagiging hindi ko naman sila kaano-ano, baka naman kahit konti, may magsasabi sa akin ng kwento ng diretso.
POTA. Ang arte, nagtatampo lang pala. Pero sa kabilang banda, bakit hindi, eh ang taong hinihintay mo naman ay sinasabing ikaw nag mundo nya. Bahala na. Basta hindi muna ako magtatanong. Hinihintay kitang magkwento.
No comments:
Post a Comment