Puno ba pitaka mo?
- Ang sarap sigurong maging mayaman. Tipong puno lagi ang pitaka at mabibili lahat ng gustohin.
- Ang sarap sigurong maging mayaman. Kapag wala kang ginagawa sa bahay, drive ka lang ng car mo tapos punta ka sa mall para magpalamig, starbucks tapos shopping-shopping.
- Ang sarap sigurong maging mayaman Kapag tinatamad kang magpunta sa tindahan, babayaran mo lang yung boy nyo tapos bibilhan ka ng kahit anong gusto mo.
- Ang sarap sigurong maging mayaman. Laging mukang bata, dahil alagang derma.
- Ang sarap sigurong maging mayaman. Araw-araw iba-iba ang kulay ng buhok.
- Ang sarap sigurong maging mayaman. Pwedeng mag-purchase ng mga plug-ins sa internet para sa Sony Vegas Pro 11 mo.
- Ang sarap sigurong maging mayaman. Maganda ang Christmas Tree na puno ng palamuti, mag-papasko pa naman.
- Ang sarap sigurong maging mayaman. Aircon ang buong bahay.
- Ang sarap sigurong maging mayaman. Iba-iba ang cellphone every week. Iphone at BB, halinhinan.
- Ang sarap sigurong maging mayaman. Laging puno ang laman ng ref.
- Ang sarap sigurong maging mayaman. Madami kang kaibigan.
No comments:
Post a Comment