Stressed out ako kagabi at parang walang iba akong gustong gawain kundi magbasa ng ingles na libro at magreview ng mga dating napag-aralan ko noong nagaaral pa ako. Sa totoo lang, nag apply ako sa isang kumpanyang nagtuturo ng ingles sa mga ibang lahi (i guess) sa pamamagitan ng video calling. Sa Lunes na parating ang interview ko pero bago yun, may English Proficiency Test akong eexaman para lang malaman kung ano ang kaalaman ko sa ituturo ko.
Sa totoo lang, kapag nagba-blog ako sa wikang ingles medyo conscious ako dahil basics lang naman ang alam ko. Oo napagaralan ko ang mga prepositions at kung ano-ano pa pero bakit ang hirap kong isiksik sa kukote ko ang mga iyon? Hindi ko kayang bumuo ng talagang perpektong grammar. Nakakinis. Kung kaya kong makabuo ng english sentence o paragraph, hindi ko naman kayang magsalita nito agad agad. Ang swerte ng mga natural speakers na talaga. Boses pa lang, panalo na!
Talagang iba iba ng kakayahan ang ibinigay ng panginoon. Ako alam ko naman sa sarili kong kaya kong mag-sulat. Tagalog man ito o Ingles kaso mo, ay hindi ko kaya ng maging magaling sa pagsasalita talaga. ramdam ko na sa Arts talaga ang aking talento. Pero sa tingin ko naman ay kaya ko, it's just sometimes I get too conscious nga at naiisip ko agad na baka magkamali ako at ang isa pa, kulang ako sa ensayo. Lahat naman napapagaralan di ba? Sana may nakakausap ako lagi na magaling mag ingles tapos mag gagawa kami ng conversations kahit maghapon kakayanin ko kahit dumugo ang ilong ko at maubusan ako ng sasabihin.
Nawawalan na ako ng interes sa inapplyan ko. Ano kayang gagawin ko sa lunes? Ano kayang mangayayri? Language assessment pa lang iyon! Paano ko kaya mapaghahandaan?
Gusto kong maging magaling sa ingles! Gusto ko ngang magtrabaho sa callcenter para naman mapaghusayan ko pero hindi pa rin ata ako makakapasa dun dahil nauutal ako. Para akong tanga!
Sana naman makakuha ako ng confidence!
GOD please help me. Kahit hindi ako matanggap sa trabaho ay okay lang, basta sinubukan ko. Bahala na kayo Lord. :(
Hello! Ako po si Jhevey pero Vhey na lang for short. I am not fabulous pero hindi ako simple. I have my own style in everything. Isa akong photographer na gustong maging sikat balang araw. May pinagaralan pero hindi sobrang matalino. Tamad pumasok pero naka graduate.Tamad mag-aral pero madiskarte. Gustong mag ingles pero hanggang sulat lang. Hindi matalino pero madaming alam. Naghuhukay pa kung saan huhugot ng confidence. :) Umaasang magugustuhan nyo ang blogs ko. Mabuhay!
Saturday, August 31, 2013
Sunday, August 25, 2013
Panganay Blues.
Ang hirap maging panganay. Kapag nagaaral pa, ikaw lahat pagsasabihan ganito, ganyan. Parang sawa na sa kakasabi sayo ang magulang mo kaya pagdating sa isa mong kapatid, ayun... waley na at okay na kahit anong gustong gawin.
Mahirap maging panganay. Parang umalis na lahat ng kasama mo sa bahay maiwan ka lang. Makipag kwentuhan ka sa butiki tapos kapag hate mo naman sila, mag eye to eye kayo ng sarili mo sa salamin.
Mahirap maging panganay. Ina-apply mo lang naman kasi lahat ng natutunan mo sa nanay at tatay mo sa mga kapatid mo, ikaw pa kagagalitan ng mga kapatid mo kapag nagsasalita ka.
Bakit may mga taong swerte at may taong malas?Bakit may mga easy go lucky at may mga problematic palagi?Bakit may nega at posi?Bakit may concern at walang pakialam?
Yung ibang kasing edad ko ay nasaan?Enjoying their lives. Samantalang ako, hanggang self pity na lang. NAKAKAINIS KASI MAGING PANGANAY. Wala namang benefits. Wala namang kung ano-ano. Para kang nagkaanak ng hindi ka nanganak at nagka pamilya ng hindi nagaasawa kasi instant lahat ng kargo mo sa buhay.
Electric bill na kelangan bayaran monthly. Bantayan ang dating ng cable at reading ng water bill. Anong lulutin mamaya? Anong uulamin bukas? Anong kelangan ng bunso mong kapatid? Anong baon ni bunso bukas? Dedo ka din sa Nanay mo kapag nagkasakit ang kapatid mo. Kahit na ginawa mo na ang best mo may kaakibat pa ring mga sumpang salita yan.
Hindi mo na nga matanong ang sarili mo kung nahuhugasan mo pa ang pwet mo pagkatapos tumae eh. Siguro Oo, sasabihin ng iba na ayos lang naman yang ginagawa mo eh, hindi naman msyadong busy. Ay poooootek ng lahar! Ikaw ang magkargo ng ganitong isipin araw araw. Ikaw ang pagalitan kahit wala ka naman ginagawang masama. Ikaw lahat. Ikaw ang malas at ako ang swerte gusto mo? Shift naman tayo kahit minsan lang. Nakakapagod na din kaya. Gusto ko mag enjoy. Gusto kong sumaya. Gusto kong lumipad. Hindi naman habambuhay ganito na lang ng ganito eh. @#$%^&*()_!
Wednesday, August 14, 2013
Cherry Mobile Flare Amazing Camera Shots
As per the tagline: "Cherry Mobile Flare- Ang dual core ng bayan!"
(Magta-tagLish na lang ako para hindi ako masyadong mahirapan, okay?)
Cherry Mobile is not my first Android Smart Phone.Nung mga panahong nagkaka-ubusan sa Malls ng stock ng CM Flare, napilitan akong bumili ng Myphone A848 Duo dahil nakita ko na halos konti lang deperensya nya sa presyo ng Flare at ng features. Parehas lang din namang Android kaya sabi ko noon ay "okay lang."
Hindi nagtagal nagkaron na ulit ng Stocks. Nagtataka ako kasi ang SRP naman talaga ng flare ay Php 3,999 pero Php 4,500 pinagbenta sa akin sa Cherry Outlet sa Central Mall, Binan, Laguna. Bet ko naman talaga ang flare kaya hindi na ako nagtanong pa.
Okay naman ang Myphone a848, ang kaso mo isa akong Photographer, at kailangan ko ng magandang quality ng camera, may auto focus at maganda ang kuha para makakakuha ako ng larawan na maayos-ayos naman kapag hindi ko dala ang dslr ko. Ito ang wala sa Mypone a848 ko.
Super satisfied ako sa features ng Flare. Sumali ako sa grupo ng CM Flare sa Facebook at madami din akong natutunan. Pero ito ang pinaka na-enjoy ko sa lahat. Ang pagkuha ng magagandang shots. Gusto nyo ng sample? Ito:
Cherry Mobile Flare Android Version 4.1.2 Jellybean Photography
to view more shots please like this page
www.facebook.com/UNAVHEYLABLE.PHOTOGRAPHY
Link of Album together with the photos above:
https://www.facebook.com/hellokittynapink55/media_set?set=a.584499234935681.1073741855.100001268281630&type=1

Subscribe to:
Posts (Atom)