Sunday, August 25, 2013

Panganay Blues.

Ang hirap maging panganay. Kapag nagaaral pa, ikaw lahat pagsasabihan ganito, ganyan. Parang sawa na sa kakasabi sayo ang magulang mo kaya pagdating sa isa mong kapatid, ayun... waley na at okay na kahit anong gustong gawin. 


Mahirap maging panganay. Parang umalis na lahat ng kasama mo sa bahay maiwan ka lang. Makipag kwentuhan ka sa butiki tapos kapag hate mo naman sila, mag eye to eye kayo ng sarili mo sa salamin. 


Mahirap maging panganay. Ina-apply mo lang naman kasi lahat ng natutunan mo sa nanay at tatay mo sa mga kapatid mo, ikaw pa kagagalitan ng mga kapatid mo kapag nagsasalita ka. 



Bakit may mga taong swerte at may taong malas?Bakit may mga easy go lucky at may mga problematic palagi?Bakit may nega at posi?Bakit may concern at walang pakialam?



Yung ibang kasing edad ko ay nasaan?Enjoying their lives. Samantalang ako, hanggang self pity na lang. NAKAKAINIS KASI MAGING PANGANAY. Wala namang benefits. Wala namang kung ano-ano. Para kang nagkaanak ng hindi ka nanganak at nagka pamilya ng hindi nagaasawa kasi instant lahat ng kargo mo sa buhay.  


Electric bill na kelangan bayaran monthly. Bantayan ang dating ng cable at reading ng water bill. Anong lulutin mamaya? Anong uulamin bukas? Anong kelangan ng bunso mong kapatid?  Anong baon ni bunso bukas? Dedo ka din sa Nanay mo kapag nagkasakit ang kapatid mo. Kahit na ginawa mo na ang best mo may kaakibat pa ring mga sumpang salita yan.

Hindi mo na nga matanong ang sarili mo kung nahuhugasan mo pa ang pwet mo pagkatapos tumae eh. Siguro Oo, sasabihin ng iba na ayos lang naman yang ginagawa mo eh, hindi naman msyadong busy. Ay poooootek ng lahar! Ikaw ang magkargo ng ganitong isipin araw araw. Ikaw ang pagalitan kahit wala ka naman ginagawang masama. Ikaw lahat. Ikaw ang malas at ako ang swerte gusto mo? Shift naman tayo kahit minsan lang. Nakakapagod na din kaya. Gusto ko mag enjoy. Gusto kong sumaya. Gusto kong lumipad. Hindi naman habambuhay ganito na lang ng ganito eh. @#$%^&*()_!

No comments:

Post a Comment