Saturday, August 31, 2013

May konting frustration inside

Stressed out ako kagabi at parang walang iba akong gustong gawain kundi magbasa ng ingles na libro at magreview ng mga dating napag-aralan ko noong nagaaral pa ako. Sa totoo lang, nag apply ako sa isang kumpanyang nagtuturo ng ingles sa mga ibang lahi (i guess) sa pamamagitan ng video calling. Sa Lunes na parating ang interview ko pero bago yun, may English Proficiency Test akong eexaman para lang malaman kung ano ang kaalaman ko sa ituturo ko.

Sa totoo lang, kapag nagba-blog ako sa wikang ingles medyo conscious ako dahil basics lang naman ang alam ko. Oo napagaralan ko ang mga prepositions at kung ano-ano pa pero bakit ang hirap kong isiksik sa kukote ko ang mga iyon? Hindi ko kayang bumuo ng talagang perpektong grammar. Nakakinis. Kung kaya kong makabuo ng english sentence o paragraph, hindi ko naman kayang magsalita nito agad agad. Ang swerte ng mga natural speakers na talaga. Boses pa lang, panalo na!

Talagang iba iba ng kakayahan ang ibinigay ng panginoon. Ako alam ko naman sa sarili kong kaya kong mag-sulat. Tagalog man ito o Ingles kaso mo, ay hindi ko kaya ng maging magaling sa pagsasalita talaga. ramdam ko na sa Arts talaga ang aking talento. Pero sa tingin ko naman ay kaya ko, it's just sometimes I get too conscious nga at naiisip ko agad na baka magkamali ako at ang isa pa, kulang ako sa ensayo. Lahat naman napapagaralan di ba? Sana may nakakausap ako lagi na magaling mag ingles tapos mag gagawa kami ng conversations kahit maghapon kakayanin ko kahit dumugo ang ilong ko at maubusan ako ng sasabihin.

Nawawalan na ako ng interes sa inapplyan ko. Ano kayang gagawin ko sa lunes? Ano kayang mangayayri? Language assessment pa lang iyon! Paano ko kaya mapaghahandaan?

Gusto kong maging magaling sa ingles! Gusto ko ngang magtrabaho sa callcenter para naman mapaghusayan ko pero hindi pa rin ata ako makakapasa dun dahil nauutal ako. Para akong tanga!

Sana naman makakuha ako ng confidence!

GOD please help me. Kahit hindi ako matanggap sa trabaho ay okay lang, basta sinubukan ko. Bahala na kayo Lord. :(

No comments:

Post a Comment