Bago ako mag simula, gusto ko munang huminga ng MALALIM.
Heto na naman po tayo sa "Panganay Blues."
Ang lagi kong kwento ay tungkol sa pagitan ng aking mga magulang at ako mismo. Pero ngayon, iba naman, sa kapatid ko na.
Namimiss ko yung mga panahong nakasandal sya sa akin. Pero siguro nga ganoon talaga kapag tumatanda ang tao, nagkakaroon ng sariling isip at may kanya kanyang gusto. Mula ng magkolehiyo si kapatid ay andaming nag-iba. Iba ang aura nya kapag umuuwi ng bahay galing sa skwelahan, iba ang kanyang pananalita, iba ang kanyang pakikisalamuha sa akin. May positibo pero mas kapuna-puna pala talaga palagi ang mga negatibo. Sa mga negatibo na yun ako napapatanong, "Anong ginawa ko?"
Minsan kasi, alam ko naman na natural na magbago na ang isang tao. Pero syempre, hindi ka basta basta magbabago kung matibay ang iyong pundasyon di ba? Sabihin na nating ngayong mga oras na ito ay walang galang ang kapatid ko, walang respeto sa magulang at hindi nakakaalala ng pamilya. Napaisip ako, noon kayang nasa edad nya ako ay ganoon din ako? Noon kayang nasa kalagayan nya ako eh iniwanan ko din sya sa ere? Pinasakit ko ba ang kalooban nya noong nasa ganoong edad ako? Alam ko naman na hindi masasagot ang mga tanong ko kung hindi ko itatanong sa kanya eh, kaso lang, wala sya sa bahay ngayon at gusto kong mag blog talaga. Better than posting this on Facebook right?
Dahil kaya sa akin kaya sya ganoon? Pero binabalikan ko naman ang mga nagdaang araw, wala naman kaming pinaghahatian. Nakakasama lang kasi ng loob para sa akin, bilang isang nakatatandang kapatid na pinapakita nyang mas masaya sya sa barkada nya kaysa sa kanyang mga kapatid. Na sa halip na sa linggo linggo nyang paguwi ay nasa bahay lamang sya, eh nandoon sya sa kabarkada nya. Para bang may magnet ang likod nya at talamak naman ng bakal ang mga kabarkada nya.
Kung hindi ako showy at madrama, sya namang kabaliktaran nya. Noong mga unang linggo, namimiss nya ako kapag nauwi sya. Nagagalit pa sya kasi di ko daw sya namimiss, pero ang totoo, namimiss ko sya, hindi ko lang pinapahalata. Dahil ba don kaya sya ganito ngayon? O nasa stage lang talaga sya na litong lito sya at hindi alam ang gusto?
Nakakainis din minsan dahil wala ba syang isip? Napaka sarado naman ng utak nya kung ganoon sya ng ganoon parati. Pero sya nga, iba iba naman ang tao.
Dyos ng mga Dyos, ipinagdasal ko na po sa inyo ang lahat. Tulungan nyo po ang mga taong nagsasarado ang gate ng utak. Amen.
Hello! Ako po si Jhevey pero Vhey na lang for short. I am not fabulous pero hindi ako simple. I have my own style in everything. Isa akong photographer na gustong maging sikat balang araw. May pinagaralan pero hindi sobrang matalino. Tamad pumasok pero naka graduate.Tamad mag-aral pero madiskarte. Gustong mag ingles pero hanggang sulat lang. Hindi matalino pero madaming alam. Naghuhukay pa kung saan huhugot ng confidence. :) Umaasang magugustuhan nyo ang blogs ko. Mabuhay!
Thursday, September 19, 2013
Friday, September 6, 2013
Wally Bayola, what have you done?
Akala ko lahat ng komedyante ay "OKAY". I mean wala silang ibang hatid kundi kasiyahan. Pero yung iba nasa loob din pala ang kulo. At ang kulo na 'yun ay naging usok hanggang sa mag evaporate kagaya ng tiwala ng madaming manonood sa programang Eat Bulaga gayon na rin sa mismong taong involved.
Alam ko naman na alam nyo ang ibig kong sabihin.
Napaka ganda ng imahe ng dalawang mag tropang kalog sa programang 'yun. Kahit na minsan ay nakaka offend din ang mga sinasabi nila on air sa ibang mga tv shows at artista eh patok naman sa masa. Muka pa lang, nakakatawa na. Syempre hindi naman damay si Jose Manalo sa kahihiyan pero ako, personally, kung si Wally Bayola nga ay nagagawa ang ganoong bagay, what more yung iba? Bago palang sya kung tutuusin. Ano kayang sinabi ni Bossing? Ano kayang sinabi ng asawa ni Wally? Pero mabanggit ko lang yung asawa nya, maganda din naman ang asawa nya ah lalo na yung mga anak nila. (Base sa nakita kong larawan sa facebook.) Hindi nga, anong klaseng tao ang magiiisp ng ganoong bagay? May pera kayang involved? Hmmm.
Ayoko naman lahatin huh, pero ang tingin ko na sa ibang EB Babes ay ___________. Ayoko mang husga. Kayo na lang ang bahalang maglagay ng salita sa blanko. Kung manghuhusga man ako ay sa sarili ko na lang. Bilang isang anak, nakakahiya talagang may kumalat na ganoon na involved ang ama ko. Hindi naman kasi likas na bold star 'tong si Wally eh. Hindi na sana nakakagulat kung bold star sya kaso, imaginine mo naman. Komedyante. Magaling magpatawa. Eh nung napanood ko ay suklam naramdaman ko. Oo, ikaw na ang lalake, ikaw na! Pero sa tingin mo ba nakatulong yan sayo? Magkano ba talent fee mo dyan? Mas mahal ba sa dignidad, pamilya at pagkatao mo?
Tama nga ang nabasa ko, ang isang bagay na panandalian lamang ay maaring makaapekto at makasira ng pangalan pang habangbuhay.

Do you think being a married person is a hindrance to be successful?
Its raining outside and all of my plans regarding cleaning are postponed. I am here again inside my room and trying to make a blog with sense. Hehe.
I was just thinking what if I got married at the age of 20? Probably others may think that it is too early and maybe I am in a hurry. If ever I will get married today, there's so many questions I would like to ask before facing the altar.
Can I be a successful one?
Of course my primary goal is to be rich and successful before getting married but I was like imagining that I am already there. I am afraid if I could be rich or be like some other couples at my age who are staying with their parents and some of them don't have a stable job to feed their families. Money is all we need wherever we go. You cannot pee in a gasoline station without paying 5 pesos or more. What more is having a baby? I am afraid of what will happen. Voice of an infant begging for food. What if i lack milk supply in my breast? I need to buy milk worth Php 600 that cost too much to think its size is like a small box.
What would I feel if I see successful friends?
Too late for regrets, right? I may not avoid feeling envy with them but maybe I can avoid hurting my self. It will happen if I am not happy with my relationship but it will not if vice versa. I need to be happy if I got to get married someday to avoid this negative thoughts that may come. They say getting married is not like eating a super hot cooked rice, when it hurts your tongue you'll easily can spit it out.
There are more questions that I can't put in words.It decided to just stay in my mind. I am afraid but I am not. I am cool but feeling hot. I am confused but feeling curious. I don't know what I am saying but what I am trying to say or ask is in the title.

Subscribe to:
Comments (Atom)