Friday, September 6, 2013

Wally Bayola, what have you done?

Akala ko lahat ng komedyante ay  "OKAY". I mean wala silang ibang hatid kundi kasiyahan. Pero yung iba nasa loob din pala ang kulo. At ang kulo na 'yun ay naging usok hanggang sa mag evaporate kagaya ng tiwala ng madaming manonood sa programang Eat Bulaga gayon na rin sa mismong taong involved.
Alam ko naman na alam nyo ang ibig kong sabihin.
Napaka ganda ng imahe ng dalawang mag tropang kalog sa programang 'yun. Kahit na minsan ay nakaka offend din ang mga sinasabi nila on air sa ibang mga tv shows at artista eh patok naman sa masa. Muka pa lang, nakakatawa na. Syempre hindi naman damay si Jose Manalo sa kahihiyan pero ako, personally, kung si Wally Bayola nga ay nagagawa ang ganoong bagay, what more yung iba? Bago palang sya kung tutuusin. Ano kayang sinabi ni Bossing? Ano kayang sinabi ng asawa ni Wally? Pero mabanggit ko lang yung asawa nya, maganda din naman ang asawa nya ah lalo na yung mga anak nila. (Base sa nakita kong larawan sa facebook.) Hindi nga, anong klaseng tao ang magiiisp ng ganoong bagay? May pera kayang involved? Hmmm.
Ayoko naman lahatin huh, pero ang tingin ko na sa ibang EB Babes ay ___________. Ayoko mang husga. Kayo na lang ang bahalang maglagay ng salita sa blanko. Kung manghuhusga man ako ay sa sarili ko na lang. Bilang isang anak, nakakahiya talagang may kumalat na ganoon na involved ang ama ko. Hindi naman kasi likas na bold star 'tong si Wally eh. Hindi na sana nakakagulat kung bold star sya kaso, imaginine mo naman. Komedyante. Magaling magpatawa. Eh nung napanood ko ay suklam naramdaman ko. Oo, ikaw na ang lalake, ikaw na! Pero sa tingin mo ba nakatulong yan sayo? Magkano ba talent fee mo dyan? Mas mahal ba sa dignidad, pamilya at pagkatao mo?
Tama nga ang nabasa ko, ang isang bagay na panandalian lamang ay maaring makaapekto at makasira ng pangalan pang habangbuhay. 
 

No comments:

Post a Comment