Thursday, August 23, 2012

Hindi ko na naman maintindihan si Beng.

Putagris! Pasensya na sa pagmumura. Pero parang hindi ko na kaya. Pero kaya ko pa talaga. Ang mga nangyayari, hindi ko maintindihan. Ang mga taong ayaw ko makita ay palaging nandyan at kung sino pa ang ninanais mong makasama ay wala. WALA. 

Napakabigat ng linggong ito para sa akin. Noong lunes ay nakatanggap ako ng isang masamang balita tungkol sa isang kaibigang namayapa na sa murang edad pa lamang. Noong nakaraang Marso ay katatapos lamang niya ng kursong Nursing at ngayong araw na ito mismo, Agosto 23, 1012, isa siya sa mapalad na nakapasa nsa Nursing Licensure Exam. Nabigla ako sa aking nabalitaan. Siya na isang maka-Dyos, at mababatid sa muka ang pagka-positibo, ang mga matang puno ng dedikasyon sa bawat trabaho ngayon, wala na. Sabi nga nila, Expect the Unexpected.
 Akala ko ay may malalang sakit na sumira sa kanyang katawan ngunit mas malala pa pala sapagkat isang kampon ng kadiliman ang gumamit ng kanyang katawan upang isabit ang kanyang maputing leeg sa kurdon ng computer dahilan para siya ay malagutan ng hininga. Ang katotohanan ay mas lalong kumurot sa aking puso. Bakit?

Sabi nila ay isang problema daw ang dahilan ng lahat. Baka nga sobrang sakit na. Isa lang ang aking napagtanto. Sinusubukan tayo ng Panginoon sa bawat oras. Mapanlinlang ang kadiliman. Kaya sana, makinig tayo sa puso. Sa lahat ng oras. 

Ako ay si Beng.

No comments:

Post a Comment