Bago ako mag simula, gusto ko munang huminga ng MALALIM.
Heto na naman po tayo sa "Panganay Blues."
Ang lagi kong kwento ay tungkol sa pagitan ng aking mga magulang at ako mismo. Pero ngayon, iba naman, sa kapatid ko na.
Namimiss ko yung mga panahong nakasandal sya sa akin. Pero siguro nga ganoon talaga kapag tumatanda ang tao, nagkakaroon ng sariling isip at may kanya kanyang gusto. Mula ng magkolehiyo si kapatid ay andaming nag-iba. Iba ang aura nya kapag umuuwi ng bahay galing sa skwelahan, iba ang kanyang pananalita, iba ang kanyang pakikisalamuha sa akin. May positibo pero mas kapuna-puna pala talaga palagi ang mga negatibo. Sa mga negatibo na yun ako napapatanong, "Anong ginawa ko?"
Minsan kasi, alam ko naman na natural na magbago na ang isang tao. Pero syempre, hindi ka basta basta magbabago kung matibay ang iyong pundasyon di ba? Sabihin na nating ngayong mga oras na ito ay walang galang ang kapatid ko, walang respeto sa magulang at hindi nakakaalala ng pamilya. Napaisip ako, noon kayang nasa edad nya ako ay ganoon din ako? Noon kayang nasa kalagayan nya ako eh iniwanan ko din sya sa ere? Pinasakit ko ba ang kalooban nya noong nasa ganoong edad ako? Alam ko naman na hindi masasagot ang mga tanong ko kung hindi ko itatanong sa kanya eh, kaso lang, wala sya sa bahay ngayon at gusto kong mag blog talaga. Better than posting this on Facebook right?
Dahil kaya sa akin kaya sya ganoon? Pero binabalikan ko naman ang mga nagdaang araw, wala naman kaming pinaghahatian. Nakakasama lang kasi ng loob para sa akin, bilang isang nakatatandang kapatid na pinapakita nyang mas masaya sya sa barkada nya kaysa sa kanyang mga kapatid. Na sa halip na sa linggo linggo nyang paguwi ay nasa bahay lamang sya, eh nandoon sya sa kabarkada nya. Para bang may magnet ang likod nya at talamak naman ng bakal ang mga kabarkada nya.
Kung hindi ako showy at madrama, sya namang kabaliktaran nya. Noong mga unang linggo, namimiss nya ako kapag nauwi sya. Nagagalit pa sya kasi di ko daw sya namimiss, pero ang totoo, namimiss ko sya, hindi ko lang pinapahalata. Dahil ba don kaya sya ganito ngayon? O nasa stage lang talaga sya na litong lito sya at hindi alam ang gusto?
Nakakainis din minsan dahil wala ba syang isip? Napaka sarado naman ng utak nya kung ganoon sya ng ganoon parati. Pero sya nga, iba iba naman ang tao.
Dyos ng mga Dyos, ipinagdasal ko na po sa inyo ang lahat. Tulungan nyo po ang mga taong nagsasarado ang gate ng utak. Amen.
Hello! Ako po si Jhevey pero Vhey na lang for short. I am not fabulous pero hindi ako simple. I have my own style in everything. Isa akong photographer na gustong maging sikat balang araw. May pinagaralan pero hindi sobrang matalino. Tamad pumasok pero naka graduate.Tamad mag-aral pero madiskarte. Gustong mag ingles pero hanggang sulat lang. Hindi matalino pero madaming alam. Naghuhukay pa kung saan huhugot ng confidence. :) Umaasang magugustuhan nyo ang blogs ko. Mabuhay!
Thursday, September 19, 2013
Friday, September 6, 2013
Wally Bayola, what have you done?
Akala ko lahat ng komedyante ay "OKAY". I mean wala silang ibang hatid kundi kasiyahan. Pero yung iba nasa loob din pala ang kulo. At ang kulo na 'yun ay naging usok hanggang sa mag evaporate kagaya ng tiwala ng madaming manonood sa programang Eat Bulaga gayon na rin sa mismong taong involved.
Alam ko naman na alam nyo ang ibig kong sabihin.
Napaka ganda ng imahe ng dalawang mag tropang kalog sa programang 'yun. Kahit na minsan ay nakaka offend din ang mga sinasabi nila on air sa ibang mga tv shows at artista eh patok naman sa masa. Muka pa lang, nakakatawa na. Syempre hindi naman damay si Jose Manalo sa kahihiyan pero ako, personally, kung si Wally Bayola nga ay nagagawa ang ganoong bagay, what more yung iba? Bago palang sya kung tutuusin. Ano kayang sinabi ni Bossing? Ano kayang sinabi ng asawa ni Wally? Pero mabanggit ko lang yung asawa nya, maganda din naman ang asawa nya ah lalo na yung mga anak nila. (Base sa nakita kong larawan sa facebook.) Hindi nga, anong klaseng tao ang magiiisp ng ganoong bagay? May pera kayang involved? Hmmm.
Ayoko naman lahatin huh, pero ang tingin ko na sa ibang EB Babes ay ___________. Ayoko mang husga. Kayo na lang ang bahalang maglagay ng salita sa blanko. Kung manghuhusga man ako ay sa sarili ko na lang. Bilang isang anak, nakakahiya talagang may kumalat na ganoon na involved ang ama ko. Hindi naman kasi likas na bold star 'tong si Wally eh. Hindi na sana nakakagulat kung bold star sya kaso, imaginine mo naman. Komedyante. Magaling magpatawa. Eh nung napanood ko ay suklam naramdaman ko. Oo, ikaw na ang lalake, ikaw na! Pero sa tingin mo ba nakatulong yan sayo? Magkano ba talent fee mo dyan? Mas mahal ba sa dignidad, pamilya at pagkatao mo?
Tama nga ang nabasa ko, ang isang bagay na panandalian lamang ay maaring makaapekto at makasira ng pangalan pang habangbuhay.

Do you think being a married person is a hindrance to be successful?
Its raining outside and all of my plans regarding cleaning are postponed. I am here again inside my room and trying to make a blog with sense. Hehe.
I was just thinking what if I got married at the age of 20? Probably others may think that it is too early and maybe I am in a hurry. If ever I will get married today, there's so many questions I would like to ask before facing the altar.
Can I be a successful one?
Of course my primary goal is to be rich and successful before getting married but I was like imagining that I am already there. I am afraid if I could be rich or be like some other couples at my age who are staying with their parents and some of them don't have a stable job to feed their families. Money is all we need wherever we go. You cannot pee in a gasoline station without paying 5 pesos or more. What more is having a baby? I am afraid of what will happen. Voice of an infant begging for food. What if i lack milk supply in my breast? I need to buy milk worth Php 600 that cost too much to think its size is like a small box.
What would I feel if I see successful friends?
Too late for regrets, right? I may not avoid feeling envy with them but maybe I can avoid hurting my self. It will happen if I am not happy with my relationship but it will not if vice versa. I need to be happy if I got to get married someday to avoid this negative thoughts that may come. They say getting married is not like eating a super hot cooked rice, when it hurts your tongue you'll easily can spit it out.
There are more questions that I can't put in words.It decided to just stay in my mind. I am afraid but I am not. I am cool but feeling hot. I am confused but feeling curious. I don't know what I am saying but what I am trying to say or ask is in the title.

Saturday, August 31, 2013
May konting frustration inside
Stressed out ako kagabi at parang walang iba akong gustong gawain kundi magbasa ng ingles na libro at magreview ng mga dating napag-aralan ko noong nagaaral pa ako. Sa totoo lang, nag apply ako sa isang kumpanyang nagtuturo ng ingles sa mga ibang lahi (i guess) sa pamamagitan ng video calling. Sa Lunes na parating ang interview ko pero bago yun, may English Proficiency Test akong eexaman para lang malaman kung ano ang kaalaman ko sa ituturo ko.
Sa totoo lang, kapag nagba-blog ako sa wikang ingles medyo conscious ako dahil basics lang naman ang alam ko. Oo napagaralan ko ang mga prepositions at kung ano-ano pa pero bakit ang hirap kong isiksik sa kukote ko ang mga iyon? Hindi ko kayang bumuo ng talagang perpektong grammar. Nakakinis. Kung kaya kong makabuo ng english sentence o paragraph, hindi ko naman kayang magsalita nito agad agad. Ang swerte ng mga natural speakers na talaga. Boses pa lang, panalo na!
Talagang iba iba ng kakayahan ang ibinigay ng panginoon. Ako alam ko naman sa sarili kong kaya kong mag-sulat. Tagalog man ito o Ingles kaso mo, ay hindi ko kaya ng maging magaling sa pagsasalita talaga. ramdam ko na sa Arts talaga ang aking talento. Pero sa tingin ko naman ay kaya ko, it's just sometimes I get too conscious nga at naiisip ko agad na baka magkamali ako at ang isa pa, kulang ako sa ensayo. Lahat naman napapagaralan di ba? Sana may nakakausap ako lagi na magaling mag ingles tapos mag gagawa kami ng conversations kahit maghapon kakayanin ko kahit dumugo ang ilong ko at maubusan ako ng sasabihin.
Nawawalan na ako ng interes sa inapplyan ko. Ano kayang gagawin ko sa lunes? Ano kayang mangayayri? Language assessment pa lang iyon! Paano ko kaya mapaghahandaan?
Gusto kong maging magaling sa ingles! Gusto ko ngang magtrabaho sa callcenter para naman mapaghusayan ko pero hindi pa rin ata ako makakapasa dun dahil nauutal ako. Para akong tanga!
Sana naman makakuha ako ng confidence!
GOD please help me. Kahit hindi ako matanggap sa trabaho ay okay lang, basta sinubukan ko. Bahala na kayo Lord. :(

Sunday, August 25, 2013
Panganay Blues.
Ang hirap maging panganay. Kapag nagaaral pa, ikaw lahat pagsasabihan ganito, ganyan. Parang sawa na sa kakasabi sayo ang magulang mo kaya pagdating sa isa mong kapatid, ayun... waley na at okay na kahit anong gustong gawin.
Mahirap maging panganay. Parang umalis na lahat ng kasama mo sa bahay maiwan ka lang. Makipag kwentuhan ka sa butiki tapos kapag hate mo naman sila, mag eye to eye kayo ng sarili mo sa salamin.
Mahirap maging panganay. Ina-apply mo lang naman kasi lahat ng natutunan mo sa nanay at tatay mo sa mga kapatid mo, ikaw pa kagagalitan ng mga kapatid mo kapag nagsasalita ka.
Bakit may mga taong swerte at may taong malas?Bakit may mga easy go lucky at may mga problematic palagi?Bakit may nega at posi?Bakit may concern at walang pakialam?
Yung ibang kasing edad ko ay nasaan?Enjoying their lives. Samantalang ako, hanggang self pity na lang. NAKAKAINIS KASI MAGING PANGANAY. Wala namang benefits. Wala namang kung ano-ano. Para kang nagkaanak ng hindi ka nanganak at nagka pamilya ng hindi nagaasawa kasi instant lahat ng kargo mo sa buhay.
Electric bill na kelangan bayaran monthly. Bantayan ang dating ng cable at reading ng water bill. Anong lulutin mamaya? Anong uulamin bukas? Anong kelangan ng bunso mong kapatid? Anong baon ni bunso bukas? Dedo ka din sa Nanay mo kapag nagkasakit ang kapatid mo. Kahit na ginawa mo na ang best mo may kaakibat pa ring mga sumpang salita yan.
Hindi mo na nga matanong ang sarili mo kung nahuhugasan mo pa ang pwet mo pagkatapos tumae eh. Siguro Oo, sasabihin ng iba na ayos lang naman yang ginagawa mo eh, hindi naman msyadong busy. Ay poooootek ng lahar! Ikaw ang magkargo ng ganitong isipin araw araw. Ikaw ang pagalitan kahit wala ka naman ginagawang masama. Ikaw lahat. Ikaw ang malas at ako ang swerte gusto mo? Shift naman tayo kahit minsan lang. Nakakapagod na din kaya. Gusto ko mag enjoy. Gusto kong sumaya. Gusto kong lumipad. Hindi naman habambuhay ganito na lang ng ganito eh. @#$%^&*()_!
Wednesday, August 14, 2013
Cherry Mobile Flare Amazing Camera Shots
As per the tagline: "Cherry Mobile Flare- Ang dual core ng bayan!"
(Magta-tagLish na lang ako para hindi ako masyadong mahirapan, okay?)
Cherry Mobile is not my first Android Smart Phone.Nung mga panahong nagkaka-ubusan sa Malls ng stock ng CM Flare, napilitan akong bumili ng Myphone A848 Duo dahil nakita ko na halos konti lang deperensya nya sa presyo ng Flare at ng features. Parehas lang din namang Android kaya sabi ko noon ay "okay lang."
Hindi nagtagal nagkaron na ulit ng Stocks. Nagtataka ako kasi ang SRP naman talaga ng flare ay Php 3,999 pero Php 4,500 pinagbenta sa akin sa Cherry Outlet sa Central Mall, Binan, Laguna. Bet ko naman talaga ang flare kaya hindi na ako nagtanong pa.
Okay naman ang Myphone a848, ang kaso mo isa akong Photographer, at kailangan ko ng magandang quality ng camera, may auto focus at maganda ang kuha para makakakuha ako ng larawan na maayos-ayos naman kapag hindi ko dala ang dslr ko. Ito ang wala sa Mypone a848 ko.
Super satisfied ako sa features ng Flare. Sumali ako sa grupo ng CM Flare sa Facebook at madami din akong natutunan. Pero ito ang pinaka na-enjoy ko sa lahat. Ang pagkuha ng magagandang shots. Gusto nyo ng sample? Ito:
Cherry Mobile Flare Android Version 4.1.2 Jellybean Photography
to view more shots please like this page
www.facebook.com/UNAVHEYLABLE.PHOTOGRAPHY
Link of Album together with the photos above:
https://www.facebook.com/hellokittynapink55/media_set?set=a.584499234935681.1073741855.100001268281630&type=1

Monday, June 3, 2013
Dear JamichTV
Napadpad ako sa Yotube Channel ng Jamich kanina. (Hindi ako Fan)
Tapos pinanuod ko ang The One. Naiintindihan ko naman na kailangan din kumuha ng inspiration (movie, book, etc.) kapag gagawa ng short film pero sana ituloy-tuloy na nila yung pag gawa ng short film na based sa true story kagaya nung The One.
Kasi nung habang nanunuod ako kanina, hindi na ako nanghuhula ng mangyayari at hindi na din ako nagiisip kung saang pelikula na naman iyon ginaya. Though hindi ko masyadong trip yung The One dahil hindi naging effective o hindi naging dramatic sa part ni Eleven, eh mas gusto ko pa yun panuodin kaysa sa ibang short film na ginawa nila.
Sana magpakulo sila o mag-post sa FB ng: "Guys, send your love story to us tapos pipili kami ng story na gagawing short film." (Syempre pipili lang sila ng kakaiba at hindi na yung tipikal na love story na nangyayari na. Alam ko, madami dyang iba't ibang kwento.)
Yung mga tipong ganun. Tapos pabobonggahin na lang nila ang setup. Tapos hindi lang sila yung sisikat di ba? Pati na din yung magse-send ng istorya sa kanila.

Monday, February 11, 2013
Ang Taba mo ngayon!
Matagal na panahon kayong hindi nagkita ng kaklase mong hindi mo naman masyadong ka-close. Ang una nyang sinabi, "Ang taba mo ngayon!". Nung isang araw ka lang naman lumuwas ng probinsya bumalik ka na din kinabukasan sa inyong lugar at nang makasalubong mo ang kababata mong nakatago sa likod ng lapis, ang una agad nyang nasabi ay, "uyy, bakit parang ang payat mo ngayon!".
Bakit ganon? Walang wala na ba talagang mapuna ang mga tao kaya pati katabaan o kapayatan eh napupuna na? Kelangan pa ba talagang sabihin yon, tanga ba ang kausap mo para hindi nya mapansin na mataba sya o mapayat? At tska ano naman mapapala mo kung sabihin mo sa kanilang payat sila o mataba? Ikagaganda mo ba yun? Alam mo kung insecure ka at gusto mong ipamuka sa kanila na mataba sila at mataba ka din naman, wag mo nang sabihin, para ka lang din nagsalita sa harapan ng salamin at bukod dun, hindi mo ikapapayat ang insecurity. Sayang lang ang tatlong segundo ng buhay mo sa kakasabi ng "Ang taba mo ngayon." sa lahat ng matatabang kakilala na makakasalubong mo. Sana nag work out ka na lang para worth it ang kada tatlong segundo ng buhay mo di ba?
Bakit nga kaya hindi nawawala sa batian ang pagpuna kung mataba ang kausap o payat? Minsan kasi, Oo, masarap sa tenga lalo na para sa mga dating baboy na ngayon eh biik na lang. Depende nga lang siguro sa pagsasalita at sa nagsasalita. Pero again, anong mapapala mo?
Alam ko na, isa din sa dahilan eh yung kapag wala ka ng masabi. Tsaka mo mauungkat ang size ng bewang ng kausap mo. Bakit kaya hindi mo na lang mahintay kung kelan sya magtatanong ng, "Huuuyy, mataba ba ko?" at booom! dun ka na may pagkakataon na dumada kung gaano sya kataba o kung gaano sya kapayat. Hindi kasi maganda yung basta ka na lang magsasalita ng hindi sya nagtatanong dahil hindi lahat ng tao kayang intindihin ang ugali mo. May taong sensitive, may taong ok lang sa kanya kahit anong sabihin mo, pero kahit naman ok lang sa kanya eh, paano kung nagkataon na nasa bad days sya? Baka di mo ma-carry kapag na hampas ka nya ng crispy pata sa muka? Magisip isip ka rin bago mag salita. Baka dahil lang sa katabaan eh mawalan ka ng kaibigan, ikaw rin! ;)

Tuesday, February 5, 2013
Maynila
Ako ay laking probinsya. Dito na ako nag-aral ng elementarya, hayskul at nag-kolehiyo. Dito din ako nagsimulang mangarap ng kung anu-ano kabilang na ang pagiging isang kilala at magaling na Photographer.
Nakakatungtong din naman ako ng kamaynilaan paminsan minsan, educational tours, bakasyon ng kaunting araw, at iba pa. Pero ngayong 4th year college lang ako nakapag stay ng matagal dahil sa OJT ko. Naranasan ko rin ma-snatch-an sa Quiapo, mawalan ng SV Card ticket ng LRT na kabibili lang, sumakay ng jeep habang umaandar, mga bagay na hindi mo mararanasan sa isang payapang probinsya na ang tanging problema lang ay ang mawalang ng daloy ng tubig tuwing alas dos ng madaling araw hanggang alas kwatro ng madaling araw. Siguro dahil nagtitipid sa tubig ang aming lugar.
Nakakahilo ang dami ng tao sa Maynila. Nakaka-imbyerna ang amoy ng kanal at ang mga sandamakmak na manlilimos na sasabihing hahalikan ka nya kapag hindi mo sya binigyan ng pera. Pero siguro nga ay hindi mapapalitan ng mga amoy ng kanal at basura at manlilimos ang mga oportunidad at magagandang establisyemento na nasa Maynila.
Isa sa mga adventure na nagpapa-kabog ng dibdib ko ay ang pagsakay sa ordinary bus sa Maynila. Kulang na lamang ay pakpak at simbilis na ng eroplano. Mga kaskaserong driver na palaging nagmamadali. Paminsan minsan ay nakakatulong din naman kapag late ka na sa klase o sa trabaho. Sugal-buhay para sa mga tinatamad lang maglakad.
Eskwaters. Minsan nakatira ako sa paupahang bahay na tanaw ang skwaters area at sa may gate ako tumatambay. Akala ko, pag skwater mahirap pa sa daga (yun ang akala ko kase yun ang nakikita ko sa balita dahil taga probinsya naman talaga ako) pero natawa ako at kinain ko ang sarili ko dahil madalas kong nakikita na kapag may bertdeyan sa skwater eh naka-catering service pa. Bukod pa ron, madalas ang Jollibee delivery sa lugar nila. Dahil nga malapit ang bahay na inuupahan ko sa skwater, bawal mag-sampay ng damit sa labas ng bahay lalo na kapag darating ang gabi dahil baka pagka-gising mo sa umaga para kang na-abrakadabra dahil na magic na ng taga skwater ang mga damit mo. Pero bakit pa sila magnanakaw kung panay Jollibee delivery naman sila. Siguro nga hindi naman talaga lahat ng nakatira doon ay may pera, pwede din naman na may pera talaga lang clepto.
Masaya naman sa Maynila eh. Yun nga lang, dapat talaga ay may pera ka. Aanhin mo ang pag-gala sa Malls kung ang dala mo lang ay pamasahe. Matatakam ka lang sa amoy ng donuts, roasted chickens at malamig na ice creams na nakapalibot sayo. Bukod don, mapapakamot ka lang sa bulsa kapag nakita mo ang mga presyo ng mga damit. Kapag nasa Maynila ka, importante ang pera. Kahit naman saan, importante ang pera.
Madami pa akong napapansin sa Maynila pero sa ngayon ay ito muna ang ibblog ko. Sana magustuhan nyo. Hanggang sa muling post!

Sunday, January 13, 2013
Paru-paro
Ika’y paru-paro sa gitna ng parang;
Ang araw mo’y bilang na;
Ang insektong dating nakabalot sa dahon;
Ngayo’y lalanggamin sa dahong binalutan.
The Criminal
The smell of the paint is blood
People have to be awake
Stop staring at me! I’m not the criminal!
Look at the mirror, the one you’ll see should be in jail.
AKO
Ako’y isang nagagatong sanga ng isang punong sintibay ng punong narra.
Ako’y nangarap na makisabit hanggang sa tagsibol.
Ako’y inuugoy ng hangin twing nagbabagyo; Papalakas ng papalakas.
Ako’y dinapuan ng isang maliit na pipit na napakaganda. May ibinulong sa akin. Bulong na may salitang masakit.
Ako’y nagmatigas na tila isang bagong tubong sanga kahit nagagato’t inuuod na.
Ako’y hindi nakatiis. Sa bawat pagpupumilit ng sarili’y lalong nagmumukang sakong lislis.
Ako’y bumagsak sa lupa.
Ako’y iginatong sa tungkong mainit.
Ako’y pasalamat pa at nakatulong ako sa mga taong mas kailangan ako ng higit. ♥

No Boundaries
May nagsabi sakin noon: "Lage tumatawag Mama at Papa mo ano? Ilang beses araw-araw." Oo, nakakailan talaga sa loob ng isang araw. Ikaw na malayo sa mga anak mo di ba? Siguro, liliban lang yun ng pagtawag kapag nasa bahay kami yung alam nilang nasa bahay lang. Tapos pag may mga lakad, di pwedeng di ako magttext kahit every hour or every minute.
Wala din kasi akong tinatago sa Mama at Papa ko. Lahat sinasabi ko pero hindi din naman lahat na as in LAHAT syempre kailangan din na may itira sa sarili di ba? Kumbaga, yung mga gagawin ko, desisyon ko, pupuntahan ko, feelings ko, alam nila.
Sa ganung paraan man lang malaman nila at maramdaman na "May pakialam pa pala sa akin ang anak ko." Oh kaya naman, "Hindi pa pala ako nakakalimutan ng anak ko." Laging updated sila sa buhay ko. Pag pupunta ako sa bahay ng boyfriend ko, alam nila. Pag kasama ko boyfriend ko, alam nila. Minsan nga nakakainis na nakakatawa, kasi nung panahong nagawa kami ng Thesis ng mga classmates ko, dun pa ko pinaghihinalaan na kung saan-saan nagpupunta. haha. Pag ganun, todong explain naman ako.
Natatawa na nga lang ako sa ibang tao na akala eh... basta! haha. Di lang nila alam ang bonding ng pamilya namin. Kahit na yung ibang tao eh iba ang iniisip sakin o samin, magaling na rin, kasi unpredictable pala kami at lalong mas magaling. Haha. ♥
Subscribe to:
Posts (Atom)